May pera nga sa basura, basura ng iba na kakalkalin, paghihiwalayin, iiwan kung saan natagpuan. Hindi lamang sa Baguio kundi saan mang panig ng mundo ay may ganito.
Ang mga gumagawa nito ay hindi nababawasan bagkos sila ay dimarami at kahit anong kalye man ang iyong tahakin, sila ay masisilayan.
Hindi sila nababawasan. May pera sa basura.
Lumalaon ay pahirap ng pahirap ang buhay kung kaya sila dumrami. Ang basura na kanilang ginawang hanap-buhay ay kulang na rin sa kanila sa kanilang dami.
Ano ang magandang solusyon... ah, magparami din tayo ng basura upang sila, kahit na bahagya, ay mabigyan ng ginhawa.
|